guhit...sulat...bu ra...tasa...
guhit...sulat...bura...tasa...
hang gang sa maupod ka.
Home » Post Item » insomia
insomia
January 21, 2010gabi na…ay, umaga na pala
dami pumapasok na kung anu-ano sa utak…hay, ano ba yan cristeta? bakit ba kasi ang dami mo katanungan?
tulad na lang ng totoo ba kasi talagang may alien? tinanong ‘to ni leo…sabi ko di ako naniniwala…e siya naniniwala…
nagkaroon ng maikling debate…leo: naniniwala cristeta: hindi angelo: nuetral (ay naniniwala pala siya kaso di siya nagpaliwang kung bakit) kung sa bagay kung nakisali siya lugi ako…dalawa sila isa lang ako…pero naniniwala akong may katwiran at magaling ang mga paliwanag ko…bwahahahaha! astig cristeta!
eto pa bakit walang dinosaur sa bible? e bakit nga ba wala?…aba, parang dehins din ako naniniwala medjo sa sa mga higanteng hayop na yan…kahit may nahukay na silang mga buto-buto…e kasi nga wala sa bible…
eto pa sa multo?…tama na… wag pala ito…madilim ako lang ang gising…ayoko takutin ang sarili ko…
e sa soulmate? …ahhh, magulo…mahirap isipin ang mga ganyang bagay lalo na at wala pang experience…
naniniwala ako na may dahilan ang lahat…kung nagkakilala kayo at sinadya magkakilala may matinding dahilan pa din kung bakit kelangan mangyari na magkakilala kayo…or maganap ang kung ano man ang magaganap…at ang mga kasagutan sa mga pangyayari ay malalaman mo na lang isang araw…mapagtatanto mo, maiisip…mapapangiti ka o kaya naman mababadtrip…
at sasabihin mong ganun pala yon kaya pala….bwahahaha! at least may nalaman ka…huli man ang lahat. magaling pa din!
ay, destiny pala ang sinasabi ko hindi soulmate…di ko pa kasi naeexperience na makakita ng soulmate…
soulmate.. di ba iyon yung sinasabi nilang kapareho mo…parang binagbiyak na bunga…sabi di exactly opposite sex pwede daw kapareha mo ng gender tapos soulmate kayo…
si junuko yung kambal ko pareho kami nun eh, …pero naniniwala pa din kaming magkaiba kami…
lagi nga naming sinasabi sa isatisa ‘to…’ ang astig mo tol, kakaiba ka!” bwahahaha!
ganyan namin kamahal ang isatisa….
soulmate….
ngayks!…nakakaantok pag-isipan…
parang ambaduy…
inantok tuloy ako….tulog na nga lang ako…
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.


