January 2010
M T W T F S S
« Dec   Aug »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Sponsored Links

ako to...

si lapis..tahimik, mananalo sya sa contest ng patagalang di magsalita...iyon ay hindi dahil wala siyang masabi pero ayaw nya lang sayangin ang sasabihin nya sa mga taong ayaw nya naman talaga kausapin...naniniwala syang di kailangan magsalita para magkaintindihan..mahilig siya sa mga lumang bagay...as in luma, lumang libro,lumang dyaryo, lumang magazine kaya suki siya ng mga book sale..mahilig din sya sa lumang kanta, beatles ang paborito niyang banda...sana daw ipinanganak sya sa panahon ng flower people para masabi niya ang "peace man!"...crush niya si john lennon pero crush din niya si yoko...hindi nya alam kung bakit? mahilig siyang magpagupit ng maikling buhok kaya napapagkamalan siyang lalaki na ikinatutuwa naman niya.. dati...pero naiinis na siya ngayon. nainiwala siyang maganda ang boses niya depende lang daw yun sa kanta...mahilig siyang manuntok yun ang way niya ng paglalambing. hindi daw siya maganda...kakaiba lang daw siya...dito magsisimula ang pagguhit sa mga kaganapan ng buhay ni lapis...iyon ay kung interesado ka.

Recent Photo

Message Board

Raunch:

I’ve not spent that much time in the Philippines but I really must say it’s an amazing area. But anyway, I just wanted to stop by because I’m looking for blogs by filipinos and found your site on google. If you have any tips on places to try when in Manila then I’d appreciate hearing them

support:

Congratulations, you’ve just completed the installation of this shoutbox.

support:

Hi! Your shoutbox is working fine!

Leave a message ▼
guhit...sulat...bura...tasa...
guhit...sulat...bu ra...tasa...
guhit...sulat...bura...tasa...
hang gang sa maupod ka.

insomia

January 21, 2010

gabi na…ay, umaga na pala 1:41 am, grabe nasa harap pa din ako ng laptop…antok na pero ayaw pa din matulog…

dami pumapasok na kung anu-ano sa utak…hay, ano ba yan cristeta? bakit ba kasi ang dami mo katanungan?

tulad na lang ng totoo ba kasi talagang may alien? tinanong ‘to ni leo…sabi ko di ako naniniwala…e siya naniniwala…

nagkaroon ng maikling debate…leo: naniniwala    cristeta: hindi    angelo: nuetral (ay naniniwala pala siya kaso di siya nagpaliwang kung bakit) kung sa bagay kung nakisali siya lugi ako…dalawa sila isa lang ako…pero naniniwala akong may katwiran at magaling ang mga paliwanag ko…bwahahahaha! astig cristeta!

eto pa bakit walang dinosaur sa bible? e bakit nga ba wala?…aba, parang dehins din ako naniniwala medjo sa sa mga higanteng hayop na yan…kahit may nahukay na silang mga buto-buto…e kasi nga wala sa bible…

eto pa sa multo?…tama na… wag pala ito…madilim ako lang ang gising…ayoko takutin ang sarili ko…

e sa soulmate? …ahhh, magulo…mahirap isipin ang mga ganyang bagay lalo na at wala pang experience…

naniniwala ako na may dahilan ang lahat…kung nagkakilala kayo at sinadya magkakilala may matinding dahilan pa din kung bakit kelangan mangyari na magkakilala kayo…or maganap ang kung ano man ang magaganap…at ang mga kasagutan sa mga pangyayari ay malalaman mo na lang isang araw…mapagtatanto mo, maiisip…mapapangiti ka o kaya naman mababadtrip…

at sasabihin mong ganun pala yon kaya pala….bwahahaha! at least may nalaman ka…huli man ang lahat. magaling pa din!

ay, destiny pala ang sinasabi ko hindi soulmate…di ko pa kasi naeexperience na makakita ng soulmate…

soulmate.. di ba iyon yung sinasabi nilang kapareho mo…parang binagbiyak na bunga…sabi di exactly opposite sex pwede daw kapareha mo ng gender tapos soulmate kayo…

si junuko yung kambal ko pareho kami nun eh, …pero naniniwala pa din kaming magkaiba kami…

lagi nga  naming sinasabi sa isatisa ‘to…’ ang astig mo tol, kakaiba ka!” bwahahaha!

ganyan namin kamahal ang isatisa….

soulmate….

ngayks!…nakakaantok pag-isipan…

parang ambaduy…

inantok tuloy ako….tulog na nga lang ako… 

 

Posted by egohiei at 1:08 am | permalink | Add comment