guhit...sulat...bu ra...tasa...
guhit...sulat...bura...tasa...
hang gang sa maupod ka.
Home » Post Item » unang sulat ni lapis..yehey!
unang sulat ni lapis..yehey!
September 11, 2009malakas ang ulan, nakakalungkot…ayoko sanang pumasok sa office wala namn yung boss ko nagbakasyon sa canada..pero pumasok pa rin ako di ko alam kung bakit…ahh, absent pala kasi ako nung tuesday…tinapos ko na yung mga design enimail ko na din, naghihintay na lang ako ng approval..tagal magreply, di siguro nakaonline yung boss ko..nakita ko yung account ni bertong balibag…nagsend ako ng message…sabi ko “ei, kuya allan, kmusta?” di nagreply…naalala ko yung blog niya dito kaya nagbrowse ako…yun binasa ko yung mga post niya…nakakatuwa talaga..namiss ko tuloy sila…lalo na pag friday, mga foodtripping namin..tsaka yung baha ng maysilo, paghihintay ng fx one to sawa, at ang famous mami ng nanay”s. nyahaha!.
.
Previous Comments
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.



wooot! woot! may blog ka na pala. hehehee
yup, nakaka-miss ang friday group natin, nawala na kasi kayo ni eden. pati fx drivers napansin na wala na kayo kasi nagtatanong na din sila kung bakit hindi na raw kayo sumasakay. wala na rin naghuhugas ng pinagkainan ko, wala na rin akong kasabay mag-fx pag nago-overtime ako, ung sandals mo na galing kay AYO si vivian gumagamit, sira na. wala na kaming kasama sa talakayan tuwing breaktime sa tanghali. wala nang tumatawag sa nanays (na inoorderan mo ng mami na puro paminta) para umorder ng food sa gabi. wala na rin gumagawa ng index ng catalogue.
marami nang nagbago, at pagbabago dito. di na ako umoorder kay nanays, kay tatays na (bagong bukas na eatery malapit kay nanays, at talagang Tatays ang name niya) ako umoorder. wala na nga palang baha dito kasi tinaasan na ang kalye dito, bagong semento na.
meron akong bagong artist ngayon, one week pa lang siya dito. parang ikaw rin siya in some ways, mabait din siya. lagi rin kita kinikwento sa kanya. lagi rin siyang inaasar ni vivian. tinatawag niya kasi itong Bogart kasi parang t-bird siya.
nakaka-miss talaga, di ko maiiwasan na hindi ka maaalala lalo na kapag nakikita ko mga pics at video scandals natin na nakakalat sa tatlong computer dito sa itaas. di ko makakalimutan ung niregaluhan mo ako noong bday ko ng xrated na dvd na 24-in-1.
umalis na rin nga pala si willy “pawili-wili”, lumipat na ata sa call center.
kinukumusta ka rin pala ni liezl, vivian, xtian, mang tino at don robert.
Posted by bertong balibag at September 12, 2009, 4:13 pm